NAGKAISA ang pamunuan ng Metro Manila Council (MMC) na ipatupad ng Metro mayors ang granular lockdown sa kani-kanilang mga nasasakupang lungsod dahil sa nakikita nilang ito ang pinakamabuting solusyon sa pagkontrol sa pagtaas ng bilang ng coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay MMC Chairman at Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez, ang Metro Manila mayors pa rin ang mayroong kapangyarihan sa pagsasailalim ng bawat barangays, sitios, business establishments, kabahayan o compound sa granular lockdown.
Sinabi ni Olivarez na ang Metro Manila mayors ay interconnected sa isa’t-isa na nagdesisyon na sundin ang isang polisiya ng granular lockdown.
Ang pahayag ni Olivarez ay bunsod sa mga naiulat na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na nangangailangan na ng mas mahigpit na community quarantine kung saan ang ilang local government units (LGUs) ay nauna nang nakapagsagawa ng agarang aksiyon sa pagtaas ng kaso ng virus sa kani-kanilang mga lugar na nasasakupan.
Sa kanyang nasasakupang lungsod ng Parañaque, sinabi ni Olivarez na nakapagtala ang lungsod ng kabuuang aktibong 396 na kaso ng COVID-19 at nanguna sa may pinakamaraming kaso ng virus ang Barangay Baclaran na may 67 kaso habang sinundan naman ito ng Barangay Tambo na may 46 kaso ng COVID-19.
Ayon kay Olivarez, ang dalawang nabanggit na barangay ay parehong nasa boundary ng Pasay at Parañaque.
Para sa mabilis na pagpigil sa pagkalat ng COVID-19 sa lungsod ay agad na iniutos ni Olivarez ang karagdagang pagtatalaga ng mga health worker sa mga nabanggit na boundaries. Marivic Fernandez
305026 990448Aw, it was a quite very good post. In concept I would like to devote writing such as this furthermore,?C spending time and specific function to produce a great post?- nonetheless so what can I say?- I waste time alot and never at all appear to obtain one thing completed. 53284