(Metro mayors nanindigan) NCAP MANANATILI

NANINDIGAN ang Metro Manila mayors sa kanilang desisyon na panatilihin ang pagpapatupad ng No-Contact Apprehension Program (NCAP) sa kabila ng inihaing petisyon sa Supreme Court para sa Temporary Restraining Order (TRO) nito.

Batay sa isang joint statement, nangako ang mga alkalde na ipagpapatuloy ang pag-improve ng impraestruktura at mga kalsada para sa mas ligtas na kapaligiran.

Para sa local chief executives, may kani-kaniyang traffic adjudication board ang bawat local government unit kung saan maaaring tutulan o iprotesta ng mga motorista ang ipinataw na violations sa kanila.

Maliban dito, hinimok naman nila ang lahat ng ahensiya na suportahan sila sa pagsusulong ng mga International-Proven Program para sa epektibong traffic management.

Ang naturang joint statement ay pirmado nina Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, ParaƱaque City Mayor Eric Olivarez, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Manila Mayor Maria Sheila Lacuna, at San Juan City Mayor Francis Zamora. DWIZ882