(Metro mayors sa DILG) DAGDAG POLICE SUPPORT SA ECQ

SINIGURADO ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na magkakaroon ng mas masusing koordinasyon sa pagitan ng mga local government units (LGUs) at puwersa ng pulisya sa sandaling ipatupad na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay Año, mismong ang metro mayors ang humiling sa kanila na magkaroon ng dagdag na police support sa panahon ng ECQ.

Aniya, ang mga pulis ay aasiste sa mga LGUs sa vaccination sites para sa kanilang pagbabakuna, gayundin sa ayuda distribution points, para naman sa gagawing pamamahagi ng financial aid sa mga mamamayang apektado ng ECQ.

Magtatalaga rin ng mga pulis sa borders upang matiyak na mai­patutupad ng maayos ang health and safety protocols laban sa COVID-19.

“It is the mayors that requested more PNP (Philippine Nationall Police) officers to be deployed in vaccination sites, ayuda distribution points, and along the borders to enforce the public health standards and community quarantine protocols,” dagdag ng DILG chief.

Ang ECQ ay nakatakdang muling ipatupad sa Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang 20 upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 partikular na ang Delta variant nito. EVELYN GARCIA

5 thoughts on “(Metro mayors sa DILG) DAGDAG POLICE SUPPORT SA ECQ”

  1. 287292 567696Spot lets start on this write-up, I seriously believe this wonderful site requirements significantly far more consideration. Ill a lot more likely once once more to read a terrific deal far more, a lot of thanks that information. 322186

Comments are closed.