INIREKOMENDA ng Metro mayors sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na payagan na ang mga fully vaccinated na indibidwal para sa mga contact sports event.
Ito ang napag-alaman kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na nagsabing nagsumite na ng rekomendasyon sa IATF ang Metro mayors sa ilalim ng MMDA resolution No. 21-28 na naglalayon ng pagkakaisa at official stand ng Metro Manila Council (MMC) sa pagsasagawa ng mga contact sports sa National Capital Region (NCR).
“A technical working group, headed by Department of Health (DOH)-NCR Regional Director Dr. Gloria Balboa, was created to study the possible conduct of contact sports. It underwent a very tedious process,” ani Abalos sa press briefing sa MMDA headquarters sa Makati City.
“Since players are susceptible to physical proximity with one another while spectators are inclined to cheer or chant in a crowd, having them fully vaccinated will reduce the risk of transmission,” ani pa Abalos.
Sa ilalim ng nabanggit na resolusyon, napagkaisahan ng mga alkalde ang pagsusumite ng rekomendasyon ng policy guidelines na nakapokus sa limitasyon ng kapasidad sa mga venue, vaccination status, pag-obserba sa minimum public health standards at contact tracing.
“However, we have to wait for the IATF’s approval on this matter,” (Gayunpaman, maghinintay pa rin kami ng aprubal ng IATF tungkol sa usaping ito) dagdag pa ni Abalos.
Matatandaan na inarubahan ng IATF ang pagluluwag ng alert level status sa Metro Manila na Alert Level 2 mula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 21 at maaari pa itong ibaba sa mas maluwag pang Alert Level 1 kapag nagtuloy-tuloy pa ang magandang sitwasyon na nakikita sa pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. Marivic Fernandez