TAGUIG CITY – DAMAY ang Metro Manila sa mga binabantayan ng mga awtoridad matapos ang pagsabog sa Insulan, Sultan Kudarat na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng mahigit 30 matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghanap at pagdurog sa mga teroristang grupo.
Inihayag ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na inutos niya na ilagay sa heightened alert ang buong Metro Manila habang naka-full alert ang buong puwersa ng PNP at Armed Forces of the Philippines sa buong Mindanao na nananatiling nasa ilalim pa rin ng Martial Law.
Unang suspek ng mga awtoridad sa isinagawang twin bombing ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter subalit agad itong itinanggi ni Abu Mama Misri tagapagsalita ng BIFF at sa halip, kumalat sa social media na ISIS ang may kagagawan ng nasabing pagsabog.
Samantala, kinondena rin ng Malacañang ang nasabing pagpapasabog at ipinag-utos ang mabilis na pagtugis at pagpapanagot sa may sala ng pagsabog. VERLIN RUIZ
Comments are closed.