TAGUIG CITY – ISINAILALIM ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Police Major General Debold Sinas ang mga pulis sa Metro Manila sa heightened alert status upang makatulong sa mga hakbangin upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.
Ayon kay Sinas, inatasan niya ang lahat ng mga chief of police sa Metro Manila na magsagawa ng Oplan Bandillo para sa isang community awareness at information dissemination.
Ang naturang operasyon ay may layunin na ilayo ang mga estudyante sa mga lugar na matao kagaya ng internet cafes, market, sinehan at mga malls.
Sinabi rin ni Sinas na sila ay nagsagawa na rin ng sanitizing at disinfecting sa Camp Bagong Diwa at lahat ng police stations. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.