TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na walang banta ng terrorismo sa Metro Manila sa kabila ng pagkakaaresto sa dalawang kasapi ng teroristang Abu Sayyaf Group sa Taguig City.
Ayon kay Eleazar, patuloy ang kanilang ginagawang threat validation at sa kasalukuyan ay wala silang na kukumpirmang banta sa seguridad sa Metro Manila kahit pa nadakip ang dalawang ASG.
Kasabay nito, pinapurihan ni Eleazar ang pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office sa pamumuno ni NCRPO Director Vicente Danao; Southern Police District, Taguig City Police at Joint Task Force NCR sa pagkakadakip sa mga suspek na sina Taupik Galbun a.k.a “Pa Wahid,” at Saik Galbun a.k.a “Pa Tanda” sa isang operasyon sa Sitio Imelda, Upper Bicutan, Taguig City noong nakalipas na Linggo.
Sa record ng PNP, si “Pa Wahid” ay may kinakaharap na arrest warrant kabilang na ang 6 count (6) ng Kidnapping at Serious Illegal Detention with Ransom. Siya ay konektado sa yumaong ASG leader na si Isnilon Hapilon at Radulan Sahiron. kabilang din siya sa mga pumugot sa tatlo at dumukot sa tatlong guro sa Zamboanga City gayundin sa anim na miyembro ng Jehovah’s Witness sa Patikul, Sulu.
Si “Pa Tanda” ay iniuugnay din sa pagdukot sa anim na mga miyembro ng Jehovah’s Witness at may kinahaharap na warrant dahi sa kasong
Kidnapping at Serious Illegal Detention with Ransom.
“Sa panig ng PNP, wala tayong nakikitang banta ng terorismo dito sa Metro Manila. Patuloy ang imbestigasyon sa pagkakaaresto sa dalawang miyembro umano ng Abu Sayyaf sa Taguig.
Subalit nabatid na inaalam pa ng mga imbestigador kung kasapi ang dalawa sa sleeper cell ng ASG na naka baon sa metro manila at bakit narito sa NCR ang mga suspek,” ayon kay Eleazar.
Patuloy na inaalam ng mga kinauukulan kung may kasabwat ang dalawa sa Metro Manila at kung may pinaplano silang paghahasik ng lagim.
Nabatid na hindi nagbababa ng antas ng alerto ang PNP lalo na at panahon ng pandemiya bukod pa nakatakdang state of the nation ni Pangulong Duterte.
Anito,nananatiling alerto ang pulisya para masiguro ang kapayaan at kaayusan sa Kamaynilaan.
Hinimok din nito ang publiko na agad ipagbigay alam sa mga kinauukulan kung makakita sila ng anumang kahina-hinala o may matanggap silang impormasyon ukol sa presensya ng mga masasamang tao sa kanilang lugar. VERLIN RUIZ
46275 658343What a lovely weblog. I will surely be back again. Please preserve writing! 619109
260078 849512Keep in touch whilst functioning from your own home office with out all with the hassle of purchasing or procurment costly office equipment. Debtors are allowed to apply with their a bad credit score background whenever. 160287
440694 216422I like this web website very a lot, Its a genuinely nice post to read and get info . 970198