MAYNILA – UPANG magamit ang Matropolitan Theater sa Lawton, planong buhayin ito upang umangat muli ang cultural legacy ng bansa.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nabubulok na ang pasilidad na bahagi ng kasaysayan, kultura at sining ng mga Filipino.
Kaya naman pinakikilos na ng alkalde ang Government Service Insurance System (GSIS) upang maibalik ang magandang anyo ng theater upang mapakinabangan ng sambayanang Filipino.
Sa sandaling maibalik aniya ng GSIS sa pamahalaang lungsod ang teatro, kanya itong pagagandahing muli at bubuhayin sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga vaudeville, teatro, balagtasan.
Ginawa ni Moreno ang pahayag sa press conference kasama ang Philippine Philharmonic Orchestra sa Cultural Center of the Philippines kung saan inanunsiyo ng alkalde ang pagtugtog ng PPO sa Kartilya ng Katipunan sa Setyembre 27, 2019. PAUL ROLDAN