NABULABOG ang paligid ng Metropolitan Theater sa Brgy. Aroceros, Maynila kahapon ng umaga.
Ayon sa Bureau of Fire-Manila, alas-8:55 ng umaga nang magsimula ang apoy sa bahagi ng nagsisilbing bodega ng pasilidad.
Tiniyak naman ni Lt. Sonny Lacuban ng BFP na walang nasaktan o nasawi sa insidente.
Sinasabing nagsimula ang apoy nang tumalsik ang apoy na galing sa pagwi-welding sa upuan at dahil walang tao roon ay hindi napigilan ang pagliyab.
Batay naman sa ulat ng Manila Disaster and Risk Reduction Management Office, naideklarang under control ang sunog alas-9:23 ng umaga habang tuluyang naapula alas-9:41.
Hindi naman masabi kung magkano ang danyos habang kasama sa nasunog ang 50 upuan.
Samantala, ang mga opisyal ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ang agad na bumisita at nag-inspeksyon sa MET. EUNICE CELARIO