UPANG tuluyang makabangon ang movie industry, inumpisahan ng METV (Multimedia, Entertainment and TV Production) ang mag-supply sa mga Philippine TV network ng foreign movies, soap operas at iba pang TV shows na ida-dub sa Pilipino.
Ayon kay Peter Paul Sales, managing director ng METV, upang matulungan ang TV network sa mga content na hindi na mag-uubos ng oras para bumuo ng pelikula, iaalok na lamang ang ilang TV series mula sa China.
“There are millions of TV Series and Movies being produced in different parts of the world and METV’s goal is to bring as much of these content to the Philippines,” ayon kay Sales.
Gayunman, tiniyak ni Sales na ang mga TV series at Movie na kanilang ida-dub ay blockbusters, may aral at hindi taliwas sa kultura ng Pilipino.
“The Chinese series and documentaries were handpicked by METV to make sure that the titles match the taste of the Filipinos,” ayon kay Sales.
Ang kagandahan ng mga series ay panonoorin na lang, dubbed sa Tagalog, practical dahil hihdi na kailangang mag-shoot pa, kumpleto, mayroong history o documentary film, may cartoon, pambata, may suspense,” ayon sa METV managing director.
Ang limang China Theater series na inaasahang mapanonood ngayong Enero 2023 sa AllTV ay ang “Dalawang Taong Operasyon,” Asia Tanglaw ng Sibilisasyon,” “Ang Mga Simula ng Buhay,” “Monkey King” at ang Hot Mom.”
Samantala, katuwang ng METV sa distribution ng TV shows ang APEC media na nakabase sa Australia.
“Our partnership with foreign producers with the help of APEC Media, our
partner based in Australia, have given us the opportunity to distribute their
TV Shows, Documentaries and Movies to the Philippines’ top TV Networks, dagdag ni Sales.
EUNICE CELARIO