DADAAN pa rin sa triage ng Baguio City government ang mga aakyat sa lungsod.
Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ito ay para kahit paano ay magkaroon sila ng kontrol sa rami ng turistang tutungo sa kanilang lungsod.
Sinabi sa DWIZ ni Magalong na bago umakyat ng Baguio City, kailangan munang mag-register sa bisita.baguio.gov.ph.
Kasunod na rin ito ng pag-aalis ng Inter-Agency Task Force (IATF) ng travel authority at medical certificate sa mga requirement sa pagtungo sa isang lugar sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi pa ni Magalong na sa ganitong sistema ay hindi na mapipigilan ang paglobo ng kaso ng COVID-19.
“Talaga pong medyo delikado. Kaya nga po namin kinukwestyon ‘yung policy na ‘yon na ang local government pwede pa ring magpa-swab test pero RT-PCR nalang. E, kung ganoon po ang mangyayari wala po talagang darating. Pinagbabawal po nila ang anti-gen. Dalawa lang po kasi ang ginagawa po natin, e, anti-gen at RT-PCR. Pero dahil sabi nila ay RT-PCR nalang daw, e, wala po talagang aakyat dahil napakamahal po ng RT-PCR, P4,500,” ani Magalong.
Ang Baguio ay talagang tourism-based. Mahirap po talaga namin ma-determine kung positive ang umaakyat o hindi. Titignan nalang natin kung may sintomas pagdating sa triage saka nalang natin ite-test. Kaya, ang mangyayari no’n, talagang, we are opening this thing or restrictions too early, so, pwedeng tumaas talaga ang kaso natin dito,” ani Magalong.
Good day I am so excited I found your site, I really found you by error, while I
was searching on Yahoo for something else, Regardless I am here now and would
just like to say many thanks for a tremendous post and a all round
entertaining blog (I also love the theme/design), I don’t
have time to browse it all at the moment but I have bookmarked it and also included your RSS
feeds, so when I have time I will be back to read much more, Please do keep up
the superb work.