Nakatakdang alisin ang mahigit sa 20 abandonadong sasakyan sa iba’t ibang parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa New NAIA Infra corporation operator.
Kaugnay nito, tinatawagan ang mga may ari ng mga sasakyan na kunin o alisin sa lalong madaling panahon bago nila hatakin at ilagay ang mga ito sa impounding area.
Ayon sa New NAIA Infra Corporation, sinasakop ng mga sasakyang ito ang espasyo para sa seguridad ng mga pasahero.
Ayon pa sa pamunuan ng NNIC, hindi na pagbabayarin ang mga may ari ng sasakyan, bagkus, magpakita ng proof of ownership at valid identification para makuha ang kanilang mga sasakyan.
Binigyan ang mga may ari ng sasakyan ng grace period upang i-reclaim ang mga ito.
FROILAN MORALLOS