Ngayong matapang na lumabas si Sandro Muhlach upang kondenahin ang umano’y nanggahasa sa kanya na sina Dode Cruz at Jojo Nones, aba, lumakas ang loob ng iba pang nakaranas ng sexual molestation at harassment kahit matagal na panahon na ang lumipas.
Lumabas si Gerald Santos na ginahasa noong 15 years old pa lang siya, isa pang unnamed actor, at ngayon naman, si Ahron Villena.
Biktima raw si Ahron ng sexual molestation.
Hindi niya sinabi kung sino ang nang-abuso sa kanya pero ikinukwento niya ang nangyari.
Sa shooting daw ng isang movie noong baguhan pa siya, mayroon siyang cameo role, at kailangang maglagay siya ng plaster sa kanyang — alam nyo na! Nakita raw ito ng bading na direktor at ang sabi: “O, bakit siya ang naglalagay? Ako na nga ang maglalagay!”
Pumayag daw naman siya kahit nahihiya dahil baka isipin ng direktor na kabago-bago niya, ang arte na agad. Pero pakiramdam daw niya ay may hindi tama, hindi lang nga siya makareklamo.
Hindi talaga sinabi ni Ahron kung sino ang tinutukoy niyang direktor, pero hinala ng marami, isa kina Darryl Yap at Joel Lamangan ang kanyang pinatatamaan. Medyo nakaalitan kasi sila ni Ahron. Pero malamang sa malamang, na si Joel nga iyon, dahil sabi niya, noong baguhan pa siya. Aba, wala pang Darryl Yap noong nag-uumpisa pa si Ahron. What do you think, Direk Joel?
Well, hindi naman nagahasa si Ahron, namolestya lang.
RLVN