Mga adbokasiyang pangkababaihan: SM at ang PCW para sa 2023 GADtimpala Awards

Kasama ang Philippine Commission on Women (PCW), nakikiisa ang SM Supermalls sa pagdaraos ng taunang Gender and Development Transformation and Institutionalization through Mainstreaming of Programs, Agenda, Linkages, and Advocacies (GADtimpala) Awards na ginanap kamakailan sa Samsung Hall sa SM Aura.

Kinikilala ng GADtimpala Awards ang mga ahensya ng gobyerno para sa kanilang pagtataguyod ng mga karapatan ng kababaihan.

Ang SM ay ang pinakamalaking homegrown na kumpanya na pumirma sa United Nations Women’s Empowerment Principles (UN WEPs). “Since 2021, we have shown our commitment to the gender equality dimensions of the 2030 agenda and the UN Sustainable Development Goals. With the help of SM Cares, our corporate social responsibility arm, we’re able to successfully incorporate women empowerment activities internally and externally throughout our malls,” sabi ni SM Supermalls’ President Steven Tan.

Bilang tagapagtaguyod para sa empowerment ng kababaihan, ang SM, sa pamamagitan ng SM Cares, ang nanguna sa mga programang pangkababaihan tulad ng pagtatayo ng 80 na breastfeeding station sa mga mall, na tuloy-tuloy na tumutulong sa higit na 1 milyong mga ina.

Ang mga programang ito ay may layon ng pagtataguyod ng kanilang kapakanan tulad ng “Hakab Na!’” at “Free to Feed” na ginaganap tuwing Agosto bilang pagdiriwang ng Breastfeeding Awareness Month, ang Pink Ribbon Day na ginaganap tuwing Oktubre bilang pagdiriwang ng Breast Cancer Awareness Month, ang paglikha ng Philippine chapter ng Women’s International Network for Disaster Risk Reduction (WIN DRR), at ang sponsorship ng WIN DRR Leadership Awards para sa Asia-Pacific kasama ang United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UN DRR).

“SM is a community of and for women. It is no wonder that every day, in everything we do, we strive to do right by women,” sabi ni Ginoong Tan.