(Mga ahensiya hinimok ni PBBM) KAHIRAPAN LABANAN

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na palakasin ang pagsisikap sa paglaban sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtaguyod sa kapayapaan, at national security.

Sa kanyang mensahe sa oath-taking sa Malacañang ng mga opisyal ng National Amnesty Commission (NAM), National Anti-Poverty Commission (NAPC), Marawi Compensation Board (MCB), Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, at Unity (OPAPRU), sinabi ng Punong Ehekutibo na bagama’t karamihan sa publiko ay hindi pa pamilyar sa mga nabanggit na ahensiya, ang mahalaga ay ang kahalagahan ng kanilang trabaho.

“We know how important your work is. And that is why it is very, very important that you understand that we must work together because we are here willing, and we are here to support all the advocacies that your agencies represent. And that is our end of this bargain,” ayon kay Pangulong Marcos.

““And of course, we are very confident in the performance that you will show after now that we have made official your positions in the different agencies. So I look forward to hearing from you as you get to settle into your jobs,” pagdiriin pa ng Pangulo.

Hinikayat din niya ang mga bagong opisyal na masusing pag-aralan ang kanilang mga organisasyon at alamin kung ano ang kailangang gawin para sa kapakanan ng mga tao.

Kumpiyansa si Pangulong Marcos na magaganap ang mandato ng NAPC na mas mapaunlad ang kalagayan ng mga maralitang sektor at maipatupad ang mga programa at proyekto ng pamahalaan kontra kahirapan habang ang OPAPRU ay nakatuoon naman sa peace process.

Sa kaso ng Marawi City, sinabi ng Pangulo na marami ang naging talakayan tungkol sa kung paano sisimulan ang rehabilitasyon at kung paano ibabalik ang mga tao sa kanilang mga tahanan.

““As we can all realize it is not a very quick process, hindi naman puwedeng imadali. Ngunit kailangan talaga nating simulan at maraming nag-aantay na hindi pa nakakauwi,”sabi pa ng Pangulo.

“Panahon na siguro, na gawin natin ang lahat may pagkakataon man lang na pagbabago, may progress, para naman may maaasahan ang mga residente ng Marawi,” dagdag pa niya. EVELYN QUIROZ