MGA AHENSIYA NG GOBYERNO SAMA-SAMA SA MSME GROWTH TRAINING SA TUGUEGARAO

MSME-GROWTH-TRAINING

SAMA-SAMANG magsasagawa ng pilot run technical training seminar sa Tuguegarao ang Department of Trade and Industry (DTI), ang Department of Information and Communications Technology (DICT), at ang city government ng Tuguegarao para makatulong na pataasin ang paglago ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa  nasabing bayan.

Nakatakdang simulan ang 12 day Rural Impact Sourcing (RIS) technical training sa Hunyo 13, sa city hall ng Carig Sur sa Tuguegarao.

Naglalayon ang training program na suportahan ang 29 na local MSMEs ng karunungan kung paano nila pag-iibayuhin ang paggamit ng e-commerce sa kani-kanilang negosyo, pahayag ng organizers. Sa bawat kurso ng pagsasanay, bawat MSME ay makikipag-partner sa mga iskolar ng DICT at CGT na magbibigay ng technical assistance sa paglikha ng kanilang  online platforms.

Sa ginanap na oryentasyon na ginawa kama­kailan lamang sa Negosyo Center sa siyudad na ito, pormal na sinalubong ni DTI Cagayan Provincial Director Bernardino Mabborang ang mga kinatawan ng mga kasaling MSMEs at nagpakita ng kasiyahan sa kanilang interest para makibahagi sa bagong programa.     (PNA)

Comments are closed.