MGA AKTIBIDAD SA PMA ALUMNI HOMECOMING BINAWASAN PARA MAKAIWAS SA COVID-19

Cherryl Tindog

BAGUIO CITY – MAKALIPAS ang sampung taon hindi nagpapasok ng bisita at maging miyembro ng media sa  Philippine Military Academy Alumni Homecoming sa Fort Gregorio Del Pilar.

Ito ay bahagi ng precautionary measures ng PMA para maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus disease  (COVID-19).

Ayon kay PMA Spokesperson Captain Cherryl Tindog tanging mga alumni at kanilang mga immediate families lamang ang pinayagang makapasok sa loob ng Fort Gregorio Del Pilar.

Dahil dito ginawa lamang simple at binawasan ang mga aktibidad ng alumni homecoming.

Kapansin-pansin din ang kawalan ng pagbigat ng daloy ng mga sasakyan patungo sa PMA na nagpapatunay na mababa ang bilang ng mga umakyat sa Baguio City para sa taunang PMA alumni homecoming.

Samantala, tiniyak din ni Tindog na lahat ng pumasok sa PMA ay hindi nakitaan ng sintomas ng Coronavirus lalo’t mahigpit ang paalala ng PMA sa mga PMA alumni na huwag nang tutungo sa  gagawing homecoming kung may lagnat na isa sa mga sintomas ng coronavirus (COVID-19). REA SARMIENTO