PARAÑAQUE-DUMATING sa bansa ang isang German commercial plane upang pick- up-in ang mga German nationals na na-istranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), matapos ipakansela ang mga international flight palabas ng bansa dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinatutupad ng pamahalaan.
Ayon sa report, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang German Lufthansa Airlines flight LH343 Boeing 747-8, dakong alas-4:45 ng Huwebes ng hapon, bilang isang recovery flight para maiuwi sa kanilang bansa ang nasabing bilang ng German nationals
Napag-alaman na matapos ang immigration procedures ay agad na bumalik ang Lufthansa Airlines ng Frankfurt, Germany at babalik muli ngayong araw para ma-pick up ang mga naiwang German nationals sa Cebu International Airport sa Cebu City.
Noong Huwebes ay dumagsa sa NAIA Terminal 1 ang mga turistang dayuhan upang makipagsapalaran para makauwi sa kani-kanilang lugar matapos ipatigil ng pamahalaan ang mga flight palabas ng bansa.
Kasabay ding ipinatigil ang operasyon ng British Airways, Air France at ang Lufthansa na siyang naging sanhi upang maapektuhan ang libo libong mga pasahero palabas ng bansa. FROI MORALLOS
Comments are closed.