MGA ANAK NG OVERSTAYING PINOY PAPATAPUSIN ANG KLASE

israel

ISRAEL – PINAYAGAN ng Israel government ang mga anak ng overstaying Filipino workers  na manatili sa kanilang bansa hanggang matapos ang school year.

“Driven by humanitarian consideration, Population Immigration and Border Authority (PIBA) allows the children of the overstaying workers who are enrolled in schools to stay in the country until the end of the school year in Israel at the end of June,” ayon sa anunsiyo ng Embassy of the State of Israel.

Ang desisyon ay inilabas makaraang iulat ng Israeli newspaper Haaretz na nasa 100 ­Filipina workers at mga anak nito ang ipade-deport dahil sa kakulangan ng legal documents.

Umapela ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Israeli government na maging maayos ang trato ng Israel government sa mga overstaying Filipinos.

“The State of Israel recognizes and appreciates the contribution of the overseas Filipino workers (OFWs) who have been working in Israel for so many years,” ang naging tugon naman ng Israel government.

Sa ilalim ng Israeli laws, ang dayuhang ­manggagawa ay hinahayaang makapagtrabaho ng hanggang limang ton sa kanilang bansa. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.