HABANG mga bata pa ay binigyan na ni Kris Aquino ng sarili nilang negosyo ang mga anak na si Joshua at Bimby at ito ay food business na franchise ng Potato Corner at Nacho Bimby na pag-aari nila kaya sa Queen of All Media dumadaan ang gustong kumuha ng franchise nito.
Humahataw rin si Kris naman sa mga sariling franchise ng Chowking at Mang Inasal na nagdagdag na rin ng branch. Kahit nakapangalan ang Potato Corner at Nacho Bimby kina Josh at Bimby ay tutok din dito si Kris lalo’t dumarami na rin ang branches nila kabilang na ang makikita sa Promenade Mall sa Greenhills. Ayon pa kay Kris, ay sobrang dali ng ROI nito dahil ang mga Pinoy ay mahihilig sa flavored potato fries.
MARIAN RIVERA 4 YEARS NG ENDORSER NG NAILANDIA SPA
APAT na taon na palang endorser ng Nailandia si Marian Rivera at sa renewal ng kanyang contract sa Relish Resto sa may Tomas Morato ay nagpahayag si Marian na gusto niyang magkaroon ng sarili niyang franchise ng ini-endorsong Nail Studio and Body Spa. Kaya lang sa ngayon ay hirap sa paghahanap ng magandang puwesto at buntis din siya sa pangalawang anak nila ni Dingdong Dantes.
Flattered si Marian, nang sabihin ng lady owner ng Nailandia na since siya ang naging celebrity endorser ng kanilang company na mula sa kanilang 26 branches dahil sa lawak ng fan base ng Kapuso actress ngayon ay umabot na sila sa mahigit 130 branches nationwide.
May inquiries na rin silang natatanggap from abroad at hindi malayong magkaroon ng Nailandia sa States, Dubai, at iba pang countries.
Sa tanong kung nabigyan ba ng increase si Marian sa kanyang renewal, wala raw dahil mabait kausap ang actress at manager nanay-nanayan nito na si Sir Rams David na mayroon ng franchise ng Nailandia at Heroes Barber Shop na parehong located sa GYY Bldg. cor E. Rodriguez Ave and Tomas Morato.
Kasosyo niya rito ang kaibigan niyang director na si Direk Don Cuaresma. In all fairness, ay dinadagsa ito ng mga kostumer.
EB DABARKADS TULOY-TULOY ANG PAMIMIGAY NG REGALO SA PRIZES ALL THE WAY
SETYEMBRE pa lang ay balik pamimigay ng regalo ang Eat Bulaga sa masusuwerteng dabarkads studio audience na may iba’t ibang wish na regalo na binibigyang katuparan ng programa sa kanilang “Prizes All The Way.”
Basta’t kayang ibigay ng Bulaga ay kanilang ipagkakaloob at kasehodang may kamahalan ang mga ito basta’t mapasaya nila ang audience na pumipila araw-araw sa Broadway Studio. Ilan sa mga premyong naipamigay na ay appliances, home showcase, gadgets, bicycle, sangkatutak na grocery items at marami pang iba. Ang mechanics ay pagpasok mo ng studio ay bibigyan ka ng papel ng EB Team at doon mo isusulat ang wish mo. Ang latest na nagwagi rito ay mag-ina.
Comments are closed.