ni Riza Zuniga
ISA sa mga samahan ng mga arkitekto sa Pilipinas ang kabalikat ng simbahan sa pagbubuo ng mga disenyo ng simbahan at kapilya ay ang United Architects of the Philippines (UAP)-Committee on Liturgical Architecture and Sacred Spaces (CLASS).
Sa napakaraming proyekto nito, nakapagbuo pa ang samahan na GOLD o lalong kilala sa tawag na Guild of Liturgical Designs noong 2017. Sa ngayon ito ay pinamumunuan ni Architect Stephanie Gilles bilang Founding Chairperson, Ar. Cons Cabiles bilang Deputy person, at Ar. Charles Glen D. Unidad, bilang secretary ng samahan, at sila ang kakatawan bilang mga opisyales ng UAP-CLASS sa taong 2021-2022.
Mahalaga ang papel ng mga arkitekto sa pinupuntahang dambana ng Panginoon sa loob at labas ng simbahan ng mga mananampalataya. Isa sa may pinakamahabang dekada ng pagsisilbi at paggawa ng mga katedral ay walang iba kung hindi si Ar. Joey Amistoso, Liturgical Guidelines Team Member, sa katunayan, may 12 katedral na ang napaglaanan niya ng panahon bilang isang arkitekto.
Kaya’t labis ang pasasalamat ni Bishop Victor B. Bendico, Bishop ng Baguio at kasalukuyang pinangungunahan ang CBCP Episcopal Commission on Liturgy, gayundin ang papuring iginawad ni Ar. Armando Eugene C. De Guzman, National President ng UAP sa iba’t ibang komite ng samahan.
Ang outgoing Deputy Chairperson ng UAP-CLASS na si Ar. Aurora Berba-Panopio ang nagpakilala ng iba’t ibang miyembro ng komite: sa Education at Capacity Building, Ar. Panopio, at Ar. Tito Valdivia; sa Liturgical Guidelines, Ar.Panopio, Ar. Rolly Malamion, Ar. Cons Cabiles, Ar. Joey Amistoso, Ar. Jun Narciso at Riza Zuñiga; sa Research, Publications & Documentation, Ar. Rajelyn Busmente at Maria Cecilia Sunico.
Ang iba pang komite: sa Design and Construction, Ar. Jun Narciso, Ar. Rolly Malamion, Ar. Joey Amistoso, Ar. Roy John De Guzman, Engr. Robert Cruz, Engr. Doey Limpo at William Layug; sa Church Affairs, Most. Rev Victor Bendico, Rev. Fr. Genaro Diwa, at Rev. Fr. Arnel F. Recinto; sa Ways and Means, Ar. Ravenal Gaurana, Ar. Nick Alejo, Ar. Leo Carlos at Ar. Cielo Linda Ceblano-Perez; sa CSR/Outreach, Ar. Ravenal Gaurano at Fernan Ibascon; sa Legal Affairs, Atty. Marlon Doriño.
Ang kasalukuyang Secretariat ay binubuo nina Emerald Cabahug at Edmar Magsakay; ang Membership ay tangan nina Ar. Charles Glen Unidad at Ar. Nilda Renales Santos; sa Documentation, sa Photo ay ang UST Arkitrato at sa Media & Communication, Riza Zuñiga at Nirva’ Ana.
Sa susunod na taon, inaasam-asam ang Manual ng Liturgical Guidelines na ilalabas ng nasabing samahan ng UAP-CLASS, ang natatanging kontribusyon ng mga arkitekto para sa simbahan, kasama nito ang mga Obispo at kaparian at mananampalataya.