NUEVA ECIJA-NAHUKAY ng pinagsanib na puwersa ng Pulis at mga sundalo ang iba’t ibang baril, bala mga gamot at pagkain na nakalagay sa drum ang narekober sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Labi sa bayan ng Bongabon.
Sa report ni Acting PNP Provincial Director P/Col. Rhoderick B Campo, kay PRO3, Regional Director PBGEN Mattew P Baccay,natukoy ang lokasyon ng pinagbaunan ng mga gamit ng New Peoples Army matapos ituro ng dating kasapi ng kilusan.
Magkakatuwang na pinasok ng mga tauhan ng 1st/2nd PMFC, PIU, Bongabon pulis, 303rd MC RMFB3, CIDG, RID3, 22SAC 2nd SAB SAF, and Colt and Alpha Coy ng 91st IB PA ang liblib na lugar sa nabangit na lugar.
Nakuha sa lugar ang isang M16 Colt Riffle,ibat-ibang mga bala ng baril, isang riffle grenade, non-electrical blasting cap, improvised electric blasting cap, resistor, leg wire, crocodile clip, 9v battery,toggle switch flat wire (antenna wire) at assorted medical supplies at gamot.
Ayon kay Baccay,ang pagkakatuklas ng mga gamit ng NPA, ay bahagi ng pinaigting na implementasyon ng Executive Order No.70, na naglalayong tapusin ang local communist armed conflict.
THONY ARCENAL