LEGASPI CITY-NAKUMPISKA ng Philippine National Police (PNP) ang iba’t-ibang uri ng baril matapos isinagawa ang malawakang search and seizure operation kahapon sa anim na lalawigan sa Bicol.
Batay sa ulat ni Police Regional Office 5 Director B/Gen.Bartolome Bustamante,umabot sa 103 na matataas na kalibre ng armas ang nasamsam ng mga operatiba sa loob lang ng 24 oras sa Kabikulan na kinabibilangan ng 54 na .38; 22 pirasong .22; ilang shotgun at iba pang uri ng baril mula naman sa 77 na mga indibidwal.
Napag-alaman na ang Masbate ang may pinakamataas na bilang nang nasabat na mga armas kung saan umabot ito sa 31 dahil na rin sa puspusang pagsisilbi ng search warrants na ipinag-utos ng Provincial Director nitong si P/Col.Joriz Cantoria sa mga nagtatago ng baril na walang kaukulang dokumento o kaya naman expired na ang mga lisensiya.
“Ang mga isinasagawa nating operasyon laban sa loose firearmas ay bilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon sa 2022 na inaasahan nating maging mapayapa kaya naman tuloy-tuloy ang trabaho ng ating mga pulis hinggil dito kasabay na rin sa ating purpose na ma lessen ang mga kaso ng homicide,murder at extortion dahil itong mga baril ang ginagamit ng masasamang element sa ganitong klase ng mga krimen”ani RD Bustamante.
Kaugnay nito,sinampahan na ng mga kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms and ammunitions ang mga nahuling indibidwal at pansamantalang nasa kustodiya ng SOCO sa Camp Simeon Ola,Legaspi City ang mga baril habang hindi pa nai turn-over sa korte. NORMAN LAURIO
Comments are closed.