Sa dami ng seksing artista sa Pilipinas, laging out of place ang mga hindi nabiyayaan ng mayamang dibdin – yun kasi ang standard ng beauty sa pangkalahatan. Pero siguro, sa mga sexy stars lang yon at hindi sa mga mahuhusay umarte. Kung nagkataong malaki na nga ang boobs at mahusay pang umarte, okay lang, yet, hindi boobs ang standard sa acting.
Malulupit ang netizens na kadalasan ay mga internet “negatrons” na hindi pinaliligtas sa panlalait dahil nakararanas sila talaga ng body shaming kahit wala silang ginagawang masama. Halimbawa na lang, kapag tumaba matapos manganak tulad ni Megastar Sharon Cuneta. Ang iba naman, kung sobrang payat na sinasabing nagsa-shabu raw. Pati kulay o kinis ng balat, lahat napapansin. Pero mas pinapansin sa panahong ito ang mga maliliit ang boobs.
Swerte namang may mga artistang kahit flat-chested dahil may iba pa silang ipagmamalaki. May magaganda silang mukha at mahuhusay ring umarte. Hindi man sila pinagkalooban ng “ideal” body, naging stellar din ang kanilang posisyon sa popularidad. Heto ang ilan sa kanila.
JULIA BARRETTO
Si Julia Barretto na yata ang tinagurian ng mga netizens na “Queen of the Flat-Chested Community.” Sa kabila nito, tinanggap siya ng mga fans at confident sa kanyang hitsura. Sa ganda ba naman ng kanyang mukha at may talent din naman sa pag-arte – at na-pair pa sa mahuhusay ring actors – ano pa ba ang mahihiling ni Julia. Actually, siya ngayon ang idol ng halos lahat Filipina na flat-chested.
LOVI POE
Maganda, matalino, sexy, mahusay umarte – flat-chested nga lang – pero hindi ito naging hadlang sa anak ng King of Philippine Movies na si Lovi Poe. Alam naman natin kung gaano siya hinangaan sa GMA-7 at ngayong nakalipat na siya sa ABS-CBN, pihadong ipakikita rin niya ang kanyang galing. Sabi nga ni Lovi: “I am Lovi Poe. If there’s one fabric I could wear forever it would be lace and I am also an advocate of self-love. Yes, I am flat and proud.”
ALEX GONZAGA
May nag-alok daw noong 2019 kay Alex Gonzaga na palakihin ang kanyang boobs pero tumanggi siya sa offer. In fairness, nasaktan daw siya at nahiya dahil nakarating pa ang isyung ito hanggang Korea, pero hinding-hindi raw talaga siya magpapalaki ng boobs dahil hindi naman siya sexy star.”
MAUREEN WROBLEWITZ
Walang pakialam si dating Eat Bulaga Dabarkads Maureen Wroblewitz sa mga bastos at masakit na kumento ng mga netizen sa kanyang pagiging flat-chested. Wala itong epekto sa kanya. “Hu u?” sabi pa niya. Sabi pa ni Maureen, “You can’t have everything in life.”
Bakit nga naman hindi? Miss Universe Philippines 2021 1st runner-up yata siya. Accepted daw niyang hindi siya perpekto at mahal niya kung ano ang mga meron siya.
Aniya, “If I haven’t already accepted my itty bitty titties then something like this would really hurt. If I am someone who’s really insecure, masasaktan ako talaga. We should be able to love ourselves and accept who we are. Don’t make it harder for us”
MARIS RACAL
Nang may mag-comment kay Maris Racal tungkol sa boobs niya na wala raw laman, pinagtawanan lamang niya ito. Hindi insecure ang lola nyo. Bilang tugon, nag-TikTok video siya at sinabing , “Guys, you care so much about the size!” Patuloy pa niya, “May laman ba to? Wala!” aniya habang nakaturo sa kanyang dibdib, at tumawa siya ng tumawa ng malakas. Itinuro rin niya ang kanyang ulo: “May laman ito? Wala rin!”
GABBI GARCIA
Dati raw, mahiyain siya talaga – lalo na sa kanyang flat na dibdib. Dati rin, hindi siya nagsosoot ng bikini o kahit anong swimsuit dahil kitang kita ang kanyang pagiging flat-chested — pero natuto na siya ngayong magkaroon ng tiwala sa kanyang sarili, kaya noong October 2, 2021, nakita si Gabbi Garcia na nakasoot ng olive green bikini na kitang kitang hindi talaga siya nabiyayaan ng mayamang dibdib pero sexy pa rin.
CHIE FILOMENO
Na-bash si dating Pinoy Big Brother housemate Chie Filomeno dahil sa pagiging flat-chested pero lagi siyang may sagot. Sabi ng basher: “wala ka naman dede.” Sagot niya, “Oh ano naman? Tell me something I don’t know. “19 kopong kopong na yang insulto na yan hahaha! “Untog kita sa malapader kong chest eh.”
VALEEN MONTENEGRO
Very confident naman si Valeen Montenegro sa kanyang boobs kahit pa sinasabi ng maraming maliit ito. Lagi raw siyang nakakatanggap ng negative comments tungkol dito sa social media kaya sanay na siya. Sabi pa niya, “Shout out nga pala sa mahihilig mag-judge at sabihin na ako ay flat-chested or nakatalikod. Sana ay mas malaki na lang yung boobs ninyo para mas perfect, mas feminine tingnan. Yun ang lagi nilang sinasabi.”
Confident daw siya sa size ng kanyang bust kahit maliit ito. “For the record, I’m very confident with my babies. I love them how they are. Kasi hindi siya hindrance. I’m not saying naman for other people that have bigger boobies than me are nahihirapan. Pero I love the way they are and I’m not at all insecure about them. As in, I’m so confident and I’m so blessed to have these.”
HELGA KRAPF
May anak na si celebrity mom Helga Krapf, at may message siya sa mga babaeng flat-chested tulad niya. Lumiit daw ang boobs niya nang mag-breastfeed siya sa kanyang anak na si Amelie pero okay lang ito sa kanya.
Sabi pa niya, hindi mahalaga kung maliit man o malaki ang boobs. Ang mahalaga ay kung may laman ito. At least, siya, alam niyang may laman ang kanya dahil nakapag-breastfeed nga siya sa kanyang anak.
Mahalaga rin umano ang mabuting puso at magandang karakter, at napapalibutan sila ng mga taong mahal nila at nagmamahal din sa kanila.
“In my case, I was also lucky to be blessed with some Vavavoom hips so I won’t complain, mas madali dayain yung taas kesa yung baba eh, not to mention mas madali manganak,” sabi pa niya.
GRETCHEN HO
Biktima rin si ABS-CBN TV host Gretchen Ho ng body shaming sa social media. May nag-comment kasi sa Twitter na “@gretchenho Wala ka pala boobs #UKG hahaha” pero tinawanan lamang ito ng 31-year-old na dating volleyball player. Sagot niya, “Ipinagmamalaki ko yan, my friend.”
Kayo rin ba, loud and proud na flat-chested kayo. Pwede rin naman palang maging sexy kahit walang boobs. – KAYE NEBRE MARTIN