MGA ASTRONAUT NA NAKARATING SA BUWAN, PINARANGALAN

APOLLO-50

PINARANGALAN  bilang mga bayani ang mga astronaut sa Apollo 11 mission kasabay ng pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng u­nang pagtapak sa buwan.

Si  United States  Vice President Mike Pence ang nanguna sa pagbibigay ng parangal sa mga astronaut na sina Buzz Aldrin at Michaek Collins na ikalawang tao na nakatapak sa buwan.

Ang  awarding ceremony  ay ginanap sa mismong launch pad ng Cape Canaveral, Flo­rida na ginamit ng Apollo 11 space craft noong 1969.

Sinabi ni  Pence na  kung hindi  maituturing bayani sina Aldrin at Collins, wala nang maa­ring tawagin bilang bayani.

Kaugnay nito ay plano ng NASA na magdala muli ng bagong grupo ng mga astronaut sa buwan sa 2024.

Matatandaang inihayag ni US President Donald Trump na hindi siya interesadong magpadala ng mga astronaut sa buwan dahil mas gusto nitong maipadala ang mga astronaut sa Mars na tinaguriang pulang planeta.

Comments are closed.