MGA ATLETANG ISASABAK SA VIETNAM SEAG SASALAIN

William Ramirez

INAMIN ni Philippine Sports Commission (PSC)  Chairman William ‘Butch’ Ramirez na mahirap pantayan ang medalyang napanalunan ng bansa sa nakaraang Southeast Asian Games sa kanyang ekspertong pangangasiwa bilang Chief of Mission.

“I candidly admitted mahirap mapantayan dahil malakas ang mga kalaban. Mathimatically, it’s possible kung maglalaro sila nang husto at muling ipamalas ang kanilang galing tulad ng ginawa sa nakaraang torneo kung saan nasungkit natin ang overall crown,” sabi ni Ramirez.

Ang 149-117-122 total medals ang pinakamalaking bilang na naiwi ng Filipinas magmula nang sumali ito sa SEA Games noong 1977 edition na ginawa sa Malaysia sa pamumuno ni Philippine Olympic Committee president Nereo Andolong.

Hinamon ni Ra­mirez ang mga atleta na gamitin ang kanilang malawak na karanasan para muling magwagi ng medalya sa kanilang paboritong events.

“I dare our SEA Games-bound athletes to show the heart of a real warrior brave enough to face all challenges and adversaries in their quest for fame and glory in Vietnam,” wika ni Ramirez.

“You have the mission to accomplish in Vietnam. Huwag n’yong biguin ang inyong mga kababayan na umaasa at nananalangin na babalik kayo sa bansa dala ang karangalan,” ani Ra­mirez.

Dahil gusto niyang maging matagumpay ang kampanya sa Viet­nam, sinabi ni Ramirez na masusi niyang i-evaluate ang track records at credentials ng mga atleta na  isusumite sa kanya ng mga coach ng iba’t ibang National Sports Associations para masiguro na lahat ng atleta ay may kakayahang manalo.

“Titingnan ko at masusi kong pag-aaralan ang records at credentials ng mga atleta if  they deserve to go to Vietnam,” paliwanag ni Ramirez. CLYDE MARIANO

Comments are closed.