MGA BABAE SA CONSTRUCTION, WHY NOT!

Para lamang sa lalaki ang cons­truction industry, yun ang sabi ng mga pa-macho na lala­king feeling nila ay sila lamang ang may natatagong lakas. Ang hindi nila alam, what men can do, women can do better – kahit pa sa ipinagmamalaki nilang kons­truksyon.

Libo-libong taon na ang nakalilipas, walang papel ang babae sa mundo kundi ang maging pag-aari ng kalalakihan. Noong bago dumating si Kristo, ang babaeng walang nagmamay-aring lalaki ay mabuti pang mamatay na lamang, kaya sa awa ng mga kaanak na lalaki, ang mga balo ay pinakakasalan ng kapatid ng lalaking namatay at ginagawang asawa. Dumaan ang maraming taon, natapos na ang panahon ni Moises, ngunit wala pa ring nabago, kahit pa nang ideklarang may silbi ang mga babae dahil kay Mama Mary. Kahit sa modernong panahon, hindi pa rin kinikilala ang mga babae. Ni hindi nga sila pinapayagang bumoto. Buti na lang, sadyang may taglay na talino ang kababaihan kaya sumikat sina Queen Elizabeth at Catherine the Great. Pero hindi pa rin doon natapos. May mga trabaho pa ring hindi tinatanggap ang kababaihan, tulad ng di sila pwedeng maging duktor, abogado, engineer, o sundalo. Taboo sina Joan of Arc, Mulan, Elizabeth Blackwell, at syempre, our very own Honoria Acosta-Sison. Lalong lalo naman ang magkaroon ng babaeng presidente tulad ni Cory Aquino.

Finally, sa panahon ng mga baby boomers, unti-unting kinilala ang kababaihan. Hindi na sila gaanong pinagtatawanan at inaapi, at naipapakita na rin nila ang kanilang ang­king talino.

Sa panahong ito, tinatanggap na ang kababaihan sa lipunan. Nakakaboto na sila, pwede nang ma­ging duktor, inhinyero at arkitekto. Nakakita na rin ako ng babaeng mekaniko, janitress, electrician – at sa maniwala kayo o hindi, babaeng mason na nagtratrabaho sa konstruksyon. You heard it right! Babaeng mason. Sinabi ko na nga kanina, what men can do, women can do better.

At hindi kailangang maging tomboy para mag­trabaho sa kons­truksyon. I remember when I was in high school at San Sebastian College, may subject kaming carpentry and electricity, at mas maganda ang ginawa kong silya kumpara sa ginawa ng kuya ko. Hindi lamang ako ang babaeng mahusay sa carpentry & electricity sa batch namin. In fact, more than 50% ng kababaihang kumuha ng carpentry sa batch namin ay mahuhusay. Kumpara sa kalalakihang kumuha naman ng home econo­mics (dahil pinagpalit nila for a time para raw malaman ng kalalakihan kung gaano kahirap ma­ging homemaker), karamihan sa kanila ay palpak mag­luto at manahi.

Kahit karamihan ay iniisip na ang mundong ito ay nadodominahan ng kalalakihan, lalo na ang construction industry, masasabi kong hindi na ngayon. Unti-unti na na­ting pinapasok ang daigdig nila. Oo nga at mahirap, dahil mabigat itong trabaho, oo nga at kokonti pa ang kababaihan sa trabahong dating iti­nuturing na panlalaki lamang (approximately 9.9%), pero napatunayan na ng kababaihang hindi lamang sila pang-desk. Kaya rin nilang mag-drive ng crane, forklift at 10-wheelers. Kaya rin nilang magpala ng semento at mag-ayos ng linya ng kuryente at tubig. At higit sa lahat, kaya rin nilang pamunuan ang mga machong lalaking karpentero at mason dahil alam nila ang kanilang ginagawa.

Minsan, aksidente lamang ang pagpasok ng kababaihan sa construction industry. Dala ng pangangailangan. Kapag nagugutom kasi ang anak, gagawin ng ina ang lahat para sa kanila – kahit pa ang pumasok sa trabahong panlalaki.

Ano ba naman kasi ang pagkakaiba ng home making at home buil­ding. Sa Tagalog, paggawa ng tahanan – iisa lang. Pambabae raw ang home making at panlalaki ang home building,  pero paano kung walang lala­king gagawa? Okay lang, andyan naman si nanay. Super woman si nanay. Lahat, kaya niya – pati home building.

124 thoughts on “MGA BABAE SA CONSTRUCTION, WHY NOT!”

  1. 252637 127368This style is incredible! You undoubtedly know how to keep a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (effectively, almostHaHa!) Fantastic job. I truly loved what you had to say, and more than that, how you presented it. Too cool! 454845

Comments are closed.