NAGNEGATIBO sa African Swine Fever (ASF) ang mga baboy sa tatlong bayan sa Occidental Mindoro, ayon sa Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (BAI).
Sinabi ng DA-BAI na ang latest analysis ng blood samples mula sa mga baboy sa mga bayan ng San Jose, Santa Cruz, at Rizal ay nagkaroon ng negative results.
Isinagawa ang pagsusuri makaraang maglagay ang lalawigan ng Occidental Mindoro ng meat inspection checkpoints at i-quarantine ang mga producer matapos ianunsiyo ang ASF outbreak sa tatlong bayan noong nakaraang linggo.
“The latest blood tests were conducted to secure Recognition of Active Surveillance on ASF (RAS-ASF), which shows there aren’t any active cases of ASF in a specified place,” sabi ng DA-BAI.
“The tests, conducted at the Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, confirmed the absence of ASF in the local pig population,” dagdag pa nito.
Ang tatlong bayan ay nag-aplay para sa RAS-ASF matapos magnegatibo sa virus.
Ang certification ay kailangan din para sa pagpasok at paglabas ng mga baboy sa nasabing lalawigan.
“The success in mitigating the spread of ASF can be attributed to the effective collaboration between the DA-BAI, local government units, and various agencies. This underscores the importance of coordinated actions in addressing and preventing the outbreak of infectious animal diseases,” ayon sa ahensiya.
Kinumpirma ng DA-BAI noong nakaraang Enero 22 ang presensiya ng ASF sa San Jose at Santa Cruz, na nagtulak sa ahensiya na magpatupad ng bio-security controls, kabilang ang paglalagay ng quarantine ranges sa naturang mga lugar mula Enero 11 hanggang 13, pagkatay sa 41 baboy sa San Jose at 2 sa Santa Cruz, at pagpapatupad ng mahigpit na border control measures para mapigilan ang pagkalat pa ng virus.