NAGLABAS ang pamunuan ng Quezon City ng ordinansang magpapaalis sa lahat ng mga babuyan o piggeries sa kanilang lungsod simula Pebrero ngayong taon.
Ito ay pormal na inanunsiyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ipagbawal ang lahat ng hog raisers matapos ang pagkalat ng African swine fever o ASF kung saan, apektado ang daan-daang mga baboy sa ilang mga lugar noong nakaraang taon.
Nakapaloob sa naturang batas ang mga parusang maaring makuha ng mga residente ng Quezon City sakaling hindi sumunod sa ipinatutupad na ordinansa.
Comments are closed.