MGA BAGONG ABOGADO HINAMON NI VP SARA

HINIKAYAT  ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang mga bagong abogado na makiisa sa pagtatatag ng lipunang yumayakap sa pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, makatarungan at lahat ay kasama.

Ang pahayag ng Bise Presidente ay kasunod ng pagbati sa mga law graduates na nakapasa sa 2023 Philippine Bar Examinations.

Ayon kay VP Sara, ang tagumpay na ito ay tagumpay ng kanilang pagsisikap, sakripisyo, at katatagan sa harap ng paghihirap at mga pagsubok.

Ang mga bagong abogado aniya ay dapat maging sandigan ng mga naghahanap ng kalinga ng batas.

Umaasa ang Bise Presidente na ang mga bagong abogado ay maglilingkod sa kapwa Filipino na may kababaang-loob, integridad, at pangakong isusulong ang hustisya, protektahan ang mga karapatan, at magsisilbing advocates ng mga nangangailangan ng masasandigan sa hinahanap na katarungan.

Sa idinaos na 2023 Bar Examination na pinangasiwaan ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando, 3,812 ang nakapasa.
Elma Morales