MGA BAGONG BAGON NG PNR  GAGANA NA SA DIS. 16

bagon ng pnr

MAALWAN na Pasko para sa mga mananakay ng tren. Magsisimula  na sa Lunes,  Disyembre 16, ang operasyon ng mga bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR).

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, oras na magsi­mula ito ay magiging walo hanggang 10 biyahe na ang magagawa sa isang araw.

Kaya nitong isakay ang nasa halos 8,000 pasahero kada set.

Siniguro naman ni Tugade na sinusunod nila ang mga international railway standards para mas mapabuti ang lagay ng naturang tren.

Samantala, magsisimula naman ang partial operation ng Bicol Railway System sa taong 2021. DWIZ882

Comments are closed.