MGA BAGONG KAGAMITAN IBINIDA NG PNP

ASAHAN na mas mapapalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kakayahan dahil sa mga bago nilang kagamitan.

Ibinida kahapon sa isinagawa ang blessing ce­remony sa Camp Crame ang P764 milyong halaga ng bagong gamit na pinondohan sa ilalim ng Capability Enhancement Program ng PNP mula sa taong 2015 hanggang 2021.

Kasama sa mga kagamitan na nabili ay ang 16 na unit ng brand new van; 3 unit ng transport vehicle; 8, 358 units ng 9mm striker fired pistol; 8, 500 units ng 5.56mm basic assault rifle; 34 units ng light machine gun; 45 units ng explosive detector dog; 620 units autogated night vision device at 5, 298 units all purpose vest.

Ipapadala ang mga bagong gamit sa iba’t ibang mga Police Unit sa buong bansa. REA SARMIENTO