ANG “The Written Property,” isang publikasyon para sa mga freelance publishing professionals, ay inilunsad kamakailan. Inilathala ng LitArt Publishing at ginawa ng Freelance Writers’ Guild of the Philippines (FWGP) sa ilalim ng Copyright Plus Program ng Intellectual Property Office of the Philippines – Bureau of Copyright and Related Rights (IPOPHL-BCRR), ang aklat na ito ay naglalaman ng detalyadong impormasyon tungkol sa mga isyu sa intellectual property na partikular na nakaka-apekto sa mga freelance creators.
Ang eBook version, na kasalukuyang ibinebenta sa halagang P200, at ang print version (na puwedeng i-preorder) ay maaaring matanggap sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa [email protected]
Sa ika-9 naman ng Marso ay gaganapin ang “Coaching Program for Young and Future Writers and Publishers” mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa Novotel Araneta City. Ang mga kalahok na hindi makakarating sa face-to-face event ay maaaring sumali sa pamamagitan ng Zoom. Ang aktibidad na ito ay hatid ng World Intellectual Property Organization (WIPO) sa pakikipagtulungan ng Intellectual Property Office of the Philippines-Bureau of Copyright and Related Rights (IPOPHL-BCRR).
May mga eksperto sa loob at labas ng bansa na inanyayahan upang magbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa pagsisimula ng isang karera sa larangan ng pagsusulat at paglalathala ng libro.
Sina Dr. Cheeno Marlo Sayuno, Ms. Vida Cruz-Borja, at Dr. Luis Gatmaitan ang mga lokal na tagapagsalita. Sina Mr. Ji-Woong Kang at Ms. Hye-Sook Kang ang mga bisita mula sa ibayong dagat. Upang makapagpa-rehistro, maaaring kunin ang registration link mula sa Facebook page ng IPOPHL-BCRR.
Ang mga rehistrado ay kailangan pa ring dumaan sa pagsisiyasat ng BCRR.
(Itutuloy…)