MGA BAGONG KASO NG ASF NAITALA SA TARLAC

ASF-10

INIHAYAG ni Tarlac Governor Susan Yap na nakapagtala na ng mga bagong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa apat na bayan sa Tarlac. Kabilang sa mga nagpositibo sa ASF ang mga alagang baboy mula sa Victoria, Capas, Concepcion at La Paz.

Sinabi ni Yap na nagpositibo sa ASF ang kinuhang blood samples mula sa mga baboy matapos isailalim sa confirmatory test ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory.

Ayon naman kay Provincial Veterina­rian Dr. Maria Lorna Baculanta, hiniling niya sa agriculture officials na ipatupad ang 1-7-10 quarantine protocol.

Nakasaad sa nasabing protocol ang pagkatay sa mga alagang baboy na nasa loob ng 1-kilometer radius ng apektadong lugar kahit walang ASF ang mga ito, samantalang ang mga nasa loob ng 7-kilo­meter radius ay isasailalim sa surveillance habang ang mga nasa loob ng 10-kilometer radius ay sasailalim sa mandatory monitoring.

Comments are closed.