SA DARATING na Martes, mag-uulat si General Manager Alexander ‘Mandirigma’ Balutan hinggil sa itinakbo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa taong 2018 na talaga namang nakamamangha dahil sa P63.55 bilyon nitong kita kumpara sa mga nakaraang administrasyon na napako lamang sa humigit-kumulang na P37-B kada taon. Gaganapin ang press conference sa umaga sa Wack-Wack Country Club sa may Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Pero wala pang kumpirmasyon kung makadadalo si Mandirigma dahil kasalukuyang nagluluksa ang kanyang pamilya sa pagpanaw ng kanyang nakababatang kapatid na si Bobby, isang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP). Lubos na nakikiramay po tayo sa kanyang pamilya.
“I am in deep sorrow for the untimely demise of my beloved bother Bobby. Words are not enough to describe my profound relationship with Bobby since childhood that would forever be etched in my heart and fond memories. Many times, as your big brother, comforted you with my warm embrace while crying o my shoulder during bad times. You are one and only Bobby, I love you bro, you will surely be missed. Farewell…” saad ng Facebook post ni Mandirigma.
Sa mga hindi pa nakakakilala kay Mandirigma, siya ang taong pangangalagaan mo dahil sa kahanga-hanga nitong integridad bilang indibidwal at opisyal ng gobyerno, tapat na paglilingkod tangan ang ‘Courage, Integrity and Loyalty’, at payak na pamumuhay.
Palagay ko, sa gitna ng pagluluksa ay darating si Mandirigma sa araw ng press conference sampu ng iba pang opisyal ng PCSO.
Ngayong taong 2019, kaabang-abang ang mga pinaplanong pakulo ng PCSO upang pataasin pa ang revenue collection nito at hindi lamang mapako sa P63.55-B kada taon.
Sa aking panayam kasi kay Mandirigma sa isa kong episode sa programang “Mandirigma sa Kawanggawa” na mapakikinggan at mapanonood kada araw ng Linggo alas-10 ng umaga sa DZRH, Radyo Natin FM, DZRH News Television, at sa internet FB live streaming DZRH Manila, nabanggit nito na baka mag-plateau na ang kita ng PCSO dahil sa expansion ng palarong Small Town Lottery (STL) na ngayon ay may 85 na korporasyon na naglalaro sa buong bansa.
Sa katunayan, P26.1-B ang naiambag ng STL sa P63.55-B na kinita ng PCSO sa 2018. Pumangalawa na ang STL na tumatabo sa mga palarong loterya ng ahensiya.
Ayon kay Assistant General Manager for Gaming Sector Arnel Casas, posibleng tataas pa hanggang 20 percent ang kita ng PCSO kapag nasimulan ang mga bagong pakulong loterya ng PCSO gaya ng mobile texting gamit ang smartphone sa pagtaya sa lotto at STL.
Bukod dito, ayon naman kay Roger Ramirez, manager ng Product Standard and Development Department (PSDD) ng PCSO, may go signal na ang PCSO Board na maglunsad ng kahit isang bagong palarong loterya ngayong taon kung kaya dapat tutukan na ito.
Samakatuwid, posibleng matutunghayan natin ang isang bagong palaro ng PCSO ngayong taon at iba pang mga palarong loterya sa mga susunod na taon.
Kailangang paigtingin ng PCSO ang pagpapasulpot ng pondo sa pamamagitan ng mga bago, makabuluhan at kaaya-ayang palaro upang makakalap ng malaki-laking pondo sa mga pangkalusugang programa ang gobyerno at samu’t saring serbisyong kawang-gawa ng PCSO.
At siyempre, malaking hamon din ito sa departamento ni AGM for Branch Operations Remeliza Gabuyo dahil kailangan din niyang tutukan ang ekspansiyon ng branch offices sa mga lalawigan. Sa ngayon, mayroon nang 67 branches ang PCSO na ayon kay Mandirigma ay kailangang malagyan ng branch ang lahat ng lalawigan sa buong bansa bago bumaba sa kanyang puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Comments are closed.