MGA BAGYONG QUERUBIN AT ROMINA PAPASOK NGAYONG DISYEMBRE

ISA hanggang dalawang bagyo ang posibleng pumasok sa Pilipinas pagdating ng Disyembre.

Sa public weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkoles, sinabi ni Weather Specialist Joanne Mae Adelino na pangangalanan ang posibleng dalawang bagyo sa susunod na buwan na Querubin at Romina. Ito ang magiging ika-17 at ika-18 bagyo para sa taong ito.

Sinabi ni Adelino na lima ang karaniwang tropical cyclone tracks sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Disyembre.

Isa rito ay posibleng mabuo ang bagyo sa western Pacific, pumasok sa PAR, pare-recurve patungo sa silangang bahagi ng PAR nang hindi nagla-landfall, at maglalayag patungong Japan.

Maaaring pumasok sa PAR ang bagyo, magre-recurve bago mag-landfall, at saka magtutungo sa northeastern portion ng PAR bago didiretso sa Japan.

Ang karaniwang tropical cyclone tracks ay ang posibleng pag-landfall ng bagyo sa Northern o Central Luzon, sa kikilos pakanluran patungong Hong Kong pagkatapos lumabas sa kalupaan.

Nitong Nobyembre 18 nang lumabas ng PAR ang bagyong Pepito, na ika-16 bagyo sa bansa ngayong taon at puminsala sa mga lugar sa Catanduanes at lalawigan ng Abra.

MA LUISA GARCIA