SARANGANI – ILANG kabahayan ang nawasak habang maraming alagang hayop ang tinangay ng rumaragasang tubig-baha sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Sitio Lower Lamcanal, Malandag, Malungon, Sarangani Province, sa isinumiteng ulat sa National Disaster Risk Reduction Management Council.
Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction Office sa bayan ng Malungon, isang bahay ang totally damaged, habang apat naman ang partially damaged dahil sa malakas na agos ng tubig sa creek sa naturang lugar.
Sa paliwanag ng APGASA, naging madalas ang mga pag-ulan nitong nakalipas na linggo sa SOCCSKSARGEN (Rehiyon 12) dahil sa local-ized thunderstorms na pinalakas pa ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Nabatid na muntik na ring ma-trap sa kanilang bahay ang isang buong mag-anak dahil sa insidente subalit na-rescue rin ng mga awtoridad.
Maliban sa mga bahay na nasira, dalawang motorsiklo at ilang mga alagang hayop ang inanod ng tubig-baha. VERLIN RUIZ
Comments are closed.