OCCIDENTAL MINDORO – BAGO tuluyang lumabas ng area of responsibility ng Filipinas ang typhoon Quiel ay lumikha ito ng tidal waves na sumira ng mga kabahayan at mga bangkang pangisda sa isang coastal town sa lalawigang ito.
Sa ulat ng Occidental Mindoro PDRRMO, malaking alon ang nasa mahigit limang talampakan ang nanalasa sa mga kabahayan sa Barangay Paluan, Sablayan.
Ayon naman kay Edward Emmanuel Yambao ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nasa 10 hanggang 12 barangay na malapit sa baybaying dagat ang tinamaan ng 5- meter high tidal wave.
Bukod sa mahigit 50 bahay ang nagkaroon ng pinsala at nasa 58 motorized banca ang winasak ng hampas ng malaking alon dulot ng Bagyong Quiel.
Kinailangan namang lumikas mula sa kanilang bahay ng nasa 11,962 na residente na naapektuhan ng bagyo at pansamantalang nanirahan sa mga paaralan at barangay halls na ginawang evacuation center.
Sa report na isinumite ni Paluan town Mayor Carl Pangilinan, 26 na bahay ang tuluyang nawasak habang sinabi ni Mario Mulingbayan, head Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Occidental Mindoro, na ina-assess ang mga bangkang pangisdang nawasak sa bayan ng Paluan, Mamburao, Sta. Cruz, Rizal at Sablayan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.