MGA BAKUNADO NG COVID-19 VACCINE TINAWAG NA BAYANI NI DIGONG

ITINUTURING  ng Pangulong Rodrigo Duterte na bayani ang mga bakunado na habang tinawag naman niyang pangit ang mga wala pang bakuna kontra COVID-19.

Apela ng Pangulo sa taumbayan, huwag naman sana siyang bigyan ng problema.

“With this, we want to convey the message that every Filipino who will get vaccinated. Lahat na pala, ang gustong sabihin dito sa gobyerno na ‘yung lahat nagpabakuna are heroes, lahat kayo hero. Iyong hindi nagpabakuna ‘yung mga pangit na p** — p***** kayo. Huwag ninyo akong bigyan ng problema na ano,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, magsasagawa ang pamahalaan ng tatlong araw na national vaccination drive mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

“Ito pala, we are planning to conduct a three-day national vaccination drive from November 29 to December 1 coinciding with our November 30 commemoration of Bonifacio Day,” pahayag ng Pangulo.

15 milyong katao ang target na mabakunahan sa tatlong araw na vaccination drive.