NEGROS OCCIDENTAL-DALAWANG young combatant ng Communist Party of the Philippine-New Peoples Army ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng pulis at militar sa Don Salvador Benedicto sa lalawigang ito.
Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Philippine Army chief Lt.Gen. Roy Galido, may dalawang menor de edad na nalalabing kasapi ng dismantled Northern Negros Front (NNF) ng CPP-NPA Communist Terrorist Group (CTG) ang nakubkob ng Army’s 79th Infantry Battalion at PNP’s 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company (NOCPMFC) sa Don Salvador Benedicto kamakalawa.
Kasunod ito ng natanggap na sumbong ng 1st NOCPMFC sa mga residente hinggil sa presensya ng mga armadong kalalakihan sa Sitio Humayan, Barangay Pinowayan ng nasabing bayan.
Agad na naglunsad ng Joint Enhanced Military and Police Operations (JEMPO) ang 79IB at PNP na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang menor de edad na kinilalang sina Adonis Alforque, 16-anyos at Jonidel Alforque, 17-anyos.
Nakuha sa kanilang pag-iingat ang dalawang KG9 machine pistol, isang .45 caliber pistol, dalawang homemade shotguns,isang 12-gauge shotgun, isang .38 caliber revolver, isang kahon ng ammunition para sa .45 caliber pistol, iba’t ibang magazines and ammunition at tatlong backpack na may personal belongings.
Sinasabing pinaghihinalaang ang dalawa na sangkot sa shooting incident sa nasabing barangay.
Pansamantalang isasalang sa follow up investigation ang dalawa bago ibigay sa kustodiya ng DSWD for proper disposition.
Pinasalamatan ng pamunuan ng 3rd Infantry (Spearhead) Division ang mga tauhan ng 79IB at 1st NOCPMFC, at ang mga local residente sa kanilang pakikipagtulungan sa kampanya kontra terorismo na nagresulta sa pagkakadakip sa remnants ng NNF.
“It’s disheartening to think that the individuals we apprehended are minors associated with the CTG. Nevertheless, they must be held accountable for the crimes they have committed. Their capture will bring justice to the victims of their illicit actions and other atrocities. Congratulations to our 79IB and PNP for the commendable JEMPO,” ani Major General Marion R Sison, Commander, 3ID. VERLIN RUIZ