MGA BARIL NG DATING KONSEHAL ISINUKO

LAGUNA- LABING-APAT na matataas na kalibre ng baril, apat na magazines at 26 na iba’t- ibang uri ng bala ang isinurender sa himpilan ng pulisya ng isang dating konsehal ng bayan ng Sta.Maria sa lalawigang ito kahapon matapos hindi na ini-renew ang kanyang License to Own and Possess Firearms (LTOPF), Firearm Registration (FR) at Permit to Carry Firearm Registration Outside of Residence (PTCFOR) sa Kampo Crame .

Sa kanyang report kay Col.Randy Glenn Silvio, Laguna police director, sinabi ni Major Eviener Boiser, hepe ng Sta.Maria Police na kabilang sa mga armas na isinurender ay CZ caliber .22 rifle, Winchester caliber 30.30 rifle, Thompson Ramo Wooldridge rifle caliber 7.62, Ellisco caliber 5.56 rifle, Ruger caliber 5.56 rifle, Mossberg caliber 12GA shotgun, Benelli caliber 12GA shotgun, apat na Colt caliber 45 pistols, UZI caliber 9mm pistol, Beretta caliber 380 pistol, Smith and Wesson caliber .357 revolver , caliber 7.62 magazines, dalawang .380 caliber 9mm at marami pang uri ng mga bala.

Ayon kay Boiser personal na dinala ni Christened Jayson Cuento sa Sta.Maria police station ang bulto ng baril at mga bala makaraan umanong padalhan ng notice ang dating konsehal nitong Enero 30.

Si Cuento ay nahaharap sa kasong kriminal matapos ituro ng umano’y inupahan niyang mga gunman sa pagpatay sa dating Barangay official ng si Harrison Diamante nitong lamang Enero sa Barangay Santiago, Sta.Maria, Laguna. ARMAN CAMBE