MGA BARIL NI CONG. TEVES ISINUKO, TINANGGALAN NG LISENSIYA

ISINUKO ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo “Arnie” Teves Jr. ang kanyang mga iniingatang baril matapos na alisan ang mga ito ng lisensiya ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP-FEO Chief PCol. Kenneth Lucas, lumitaw umano sa isinagawang regular inspection ng Firearms and Explosives Office (FEO) alinsunod sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na kuwestyonable ang mga dokumentong isinumite ni Rep. Teves para sa kanyang firearm license.

Kaya’t ito ang naging basehan para bawiin ng PNP-FEO ang kanyang pribilehiyo na magkaroon ng lisensiya ng baril para sa tatlong long firearms at siyam na short firearms na nakarehistro sa mambabatas. VERLIN RUIZ