MGA BATA APRUB NA MANGAROLING

PINAYAGAN na ng Department of Health (DOH) ang pangangaroling ng mga bata ngayong Kapaskuhan.

Sa press briefing sa Malakanyang ay sinabi ni Health director Dr. Beverly Ho na dapat na siguraduhin lamang na bakunado ang mga batang mamamasko.

Dapat din ay nakasuot ang mga ito ng face mask.

“Sa pangangaroling po, alam natin na kinakailangan ‘no bukod sa bakunado, kailangan po naka-wear ng mask, ‘di ba, kasi may chance pa rin po tayong makapag-spread ‘no. So as long as ginagawa naman iyon at may distancing, yes, okay lang po sa atin ‘no,” pahayag ni Ho.

Samantala, pinayagan na rin ng DOH ang street parties.

“Pangalawa po, doon sa street party, siyempre kung sa street iyong party ay alam natin open air iyon, well-ventilated. Pero mahalaga rin po na alam natin iyong bilang ng tao ‘no na kaya lang i-accommodate sa lugar na iyon,” dagdag pa ni Ho.

Pinatitiyak din ng DOH kung outdoor area ang gatherings o.parties sa Level ay 70% ang capacity. “So as long as kaya ng ating local authorities or ng organizers to make sure that that happens, na ma-enforce iyong mga guidelines na iyon, puwede ‘no. Pero kung wala tayong kapasidad to enforce those guidelines, sabi nga ni CabSec ‘no, we have to be equally accountable, then hindi po natin dapat pag-isipan pa ‘no any of these parties,” dagdag ni Ho. RIZA ZUNIGA