MATUTURUKAN na ng Japanese encephalitis vaccine ang mga bata sa apat na rehiyon.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay bahagi ng immunization program ng kagawaran.
Gagamitin ang bakuna sa mga rehiyon na matinding naaapektuhan ng sakit partikular sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region ngayong buwan ng Marso.
Kasama sa makatatanggap ng nasabing bakuna ang mga batang may edad siyam na buwan hanggang limang taong gulang.
Ang Japanese encephalitis ay isang mosquito-borne viral disease na ang mga sintomas ay mataas na lagnat, panginginig, pananakit ng ulo at sobrang pagkapagod.
Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na ligtas ang bakuna at aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).
Noong nakaraang taon, nakapagtala ng 340 kaso ng Japanese encephalitis ang DOH Epidemiology Bureau mula sa Regions 3, 1 at 2.
Comments are closed.