UPANG mawala ang trauma, nagsagawa ng Soap hygiene promotion, child-friendly space activity at play therapy ang mga volunteer ng Philippine Red Cross Negros Occidental – Bacolod City Chapter para sa mga bata na na namamalagi sa Kabankalan Catholic College St. Columban Arts Center.
Layunin nitong matulungan ang mga bata matapos ang sinapit nila nang manalasa ang bagyong Odette.
Ang lugar ay kasalukuyang ginagamit bilang evacuation site.
Pinangunahan rin ng mga Red Cross Volunteers ang pamamahagi ng pagkain lulan ng PRC Hot Meals on Wheels para sa 210 na indibidwal.
Ang Kabankalan ay kabilang sa mga munisipalidad nan sinalanta ng Typhoon Odette sa Bacolod City, Negros Occiental.