MGA BATANG MAY VISUAL DISABILITIES MAY BENEPISYO MULA SA PHILHEALTH

KAAGAPAY NATIN

MALAPIT nang maipatupad ang bagong Z Benefits para sa mga batang may kapansanan sa paningin. Ang PhilHealth ay kasalukuyan nang nakikipagkontrata sa qualified health care providers (HCPs) para amin na itong maipagkaloob sa lalong madaling panahon.
May humigit kumulang 75,000 kaso ng mga batang nasa edad 19 pababa ang may visual impairment, ayon sa unpublished report ng Physicians for Peace noong 2016. Dahil dito, nagpasiya ang PhilHealth na bigyan ng karampatang benepisyo ang mga batang ito upang sila ay matulungan sa kanilang kala-gayan.
Ang pag-assess nang maaga at napa­panahong intervention ay magbibigay oportunidad na maiwasan ang mas mapaminsalang epekto ng pagkawala ng paningin. May mga ebidensiya rin na ang pagbibigay ng electronic at non-electronic devices, gaya ng eyeglasses, ay makabubuti sa kanilang reading per-formance at upang magkaroon ng functional independence tungo sa mas produktibong buhay.
Ilan sa mga serbisyong sakop sa ilalim ng Z Benefit for Children with Visual Disabilities ay ang mga su-musunod:
• Low vision assessment with treatment plan;
• Assistive health technology device (optical and electronic devices);
• Assistive device prescription, as indicated;
• Training on activities of daily living, as part of rehabilitation;
• Visual skills training;
•Environmental adaption, as part of rehabilitation;
• Follow up consultations; at
• Ocular prosthesis
Ang mga batang nasa 0 hanggang 17 taon at 364 days na sumailalim sa visual disabilities assessment ng isang ophthalmologist ay maaaring maka-avail ng benepisyong ito. Ang mga batang na­ngangailangan ng ocular prosthesis ay ­maaaring maka-avail din nito.
Ang visual impairment ay nakakategorya ayon sa mga sumusunod:
• Category 1 – mo­derate
• Category 2 – severe
• Category 3 – profound visual loss
• Category 4 – near total vision loss
• Category 5 – total vision loss
Ang minimum standards para sa ­pangangalaga at halaga ng paketeng ito ay mula P9,070 hanggang P25,920 para sa initial assessment at interven-tion. Para naman sa add-on devices ay umaabot mula P1,000 hanggang P7,350 ang halaga ng pakete. Binabayaran din ang yearly diagnostics mula P780 hang-gang P3,220. Samantala, ang electronic assistive device replacement ay nagkakahalaga ng P6,000 at ang ocular prosthesis naman ay nagka-kahalaga ng P20,250 sa bawat mata.
Upang ma-avail ang Z benefits na ito ay dapat matugunan ang mga sumusunod:
1. Maipasa ang selection criteria;
2. Dumaan sa assessment;
3. Ang aprubadong pre-authorization ay valid ng 180 calendar days mula sa date of approval ng Phil-Health;
4. Ang mga nakakontratang HCPs ay dapat sumunod sa prescribed process of approval para sa pre-authorization;
5. Ang no balance billing (NBB) policy ay dapat ipatupad sa lahat ng panahon;
6. Walang dapat out-of-pocket expense sa lahat ng kate­gorya ng membership, maliban kung may up-grades sa serbisyo; at iba pa.



Para sa inyong mga katanungan o kung may paksa kayong nais naming talakayin sa kolum na ito ay tumawag sa aming 24/7 Corporate Ac-tion Center sa (02) 441-7442, o magpadala ng sulatroniko sa [email protected]. Ang mapipiling paksa ay may mun­ting alaala mula sa PhilHealth.

Comments are closed.