NAKAKATUWANG isipin na maraming bata o kabataan na dumaan sa matitinding pagsubok sanhi ng kawalan nila ng pamilya ay natutong lumaban at ipakita ang angkin nilang talino.
Ganito ang ilang bata sa Hospicio de San Jose kung saan ipinamalas nila ang kanilang galing sa pagguhit.
Hindi kaila sa atin na ang Hospicio de San Jose ay isa sa institusyong pangkawanggawa sa Pilipinas. Ito’y isang bahay ampunan na itinatag noong 1778 upang magsilbing tahanan o kanlungan ng mga mahihirap at may kapansanan sa Maynila.
Naging matunog na ang pangalan ng institusyong ito kung saan marami ang tumulong upang mas higit na matulungan ang mga nakatira rito na halos iniwan na ng kanilang pamilya.
Hinubog sa kagandahang asal ang mga kabataan at dito rin lumabas ang kanilang mga angkin talino.
Kung matatandaan natin noong taong 2019 may dalawang bata na nag -exhibit ng kanilang artwork na may temang Angel of Rendu.
Sinuportahan sila ng mga kilalang artist katulad nina Solenn Heussaff, Melissa Yeung Yap, Spencer Ozo, Kate Bautista, Jean Uy Yam.
Ngayong taon ay mas ipinakita hindi lamang ng dalawang bata (nakalimutan ko lang name nila ) ang galing sa pagguhit ng 12 kabataan na may tema namang Expanding Horizons.
Dito’y mas lalong pinalawak ang talino nila sa pagguhit sa pamamagitan ng pagtatanghal na pinangunahan ng Angels of Rendu Art Club.
Mas pinalalim pa ng mga artist ang kanilang imahinasyon sa pagguhit at kakayahan kung ano ang buhay sa labas ng bahay ampunan.
Kaya naman ang club founder na si Philip Ong ay nag- isip pa ng paraan upang mas mapalawak pa ng mga batang ito ang kanilang kakayahan sa larangan ng pagguhit.
Nakipag- collaborate sila sa Rotary Club of Manila’s RC Manila Foundation sa pangunguna ni Celistino Palma 111.
Ang mapagbebentahan sa nasabing exhibit ay mapupunta lahat sa Hospicio de San Jose.
Naniniwala tayo na sa mga painting or art nakikita at nasasalamin ang bahagi ng ating buhay. Kung saan ang ating mga kaluluwa ay mas pinayayaman sa magagandang bagay, ngunit kailangan din natin silang suportahan upang mas mapayabong ito.