INAAPURA ng Kongreso ang pagpasa ng mga batas na makakapaglikha ng marami pang negosyo para makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.
Ito ang pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa isang pagpupulong.
Ayon kay Romualdez, “pinapabilisan ko na ang pagpasa ng mga batas para sa mas madaling pagbubukas ng mga negosyo dito sa atin sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga “lagayan” at sangkaterbang requirements o “red tape”.
“Dito nahihirapan at nate-turn off ang mga negosyante at mga mamumuhunan sa bansa”, pag-amin ni Romualdez.
Ayon pa sa lider ng Kongreso, “at kung marami ang nagbubukasang negosyo, definitely kailangan nito ng maraming tao”.
Pinasalamatan din ng mambabatas mula Leyte ang mga negosyante dahil sa pagiging matatag nila noong panahon ng pandemya.
“Our businessmen help our economy stay afloat during the onslaught of COVID-19 when everyone else is down and out”, ani Romualdez.