MGA BATAS SA BANGSAMORO, IPATUTUPAD NI YORME ISKO; LUNAS PARTYLIST OKS SA BULACAN

TINIYAK ni Aksyon Demokratiko standard bearer Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mamamayan ng Bangsamoro ang lahat ng tulong at suporta kung siya ang maging pangulo ng bansa sa susunod na anim na taon.

“Mapanghahawakan ninyo ang salita ko na kayo dito sa BARMM pumanatag kayo katulad nung sinabi ni Gov. Toto Mangudadatu, ni vice-governor na yung batas na umiiral para sa maayos na proseso ng kapayapaan at kaunlaran para sa pamilyang Muslim dito sa atin sa Mindanao, isusulong ko ‘yun,” sabi ni Yorme Isko.

Bumisita si Yorme Isko at ang kasamang mga senador na sina Samira Gutoc, Jopet Sison at Dr. Carl Balita sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARRM), Linggo, Pebrero 20 bilang mga panauhing pandangal sa sama-samang panu­numpa ng 50,000 ka­sa­pi ng United Bangsamoro Justice Party na pinamumunuan ni Maguindanao 2nd District Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu, dating Maguindanao 2nd District Rep. Zajid Dong Mangudadatu, dating Buluan Mayor Ibrahim “Jong” Mangudadatu at dating Maguindanao 1st District Rep. Bai Sandra Sema.

Ayon kay Isko, wala siyang ibang gagawin kundi ipatupad ang lahat ng napagkasunduan at ang batas tungkol sa BARRM.

“Ang tanging gagawin ko na lang makamit ng mga tao yung nilalaman nung batas, at yun ang commitment ko. Mas gusto natin ay peace for purposes ng prosperity nang tumaas ang pamumuhay ng tao,” sabi ni Yorme Isko.

Tinanggap na tulad sa isang bayani si Gutoc na isang Muslim at miyembro ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) na nagpanukala ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa nakaraang administrasyon.

Kasama rin sa kampanya sa BARMM si dating Agrarian Reform Secretary Atty. John Castriciones, pangulo rin ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee at Team Isko campaign strategist Angelito Banayo.

Nitong Hunyo 2021, binuksan sa publiko ang unang Muslim Cemetery and Cultural Hall sa loob ng Manila South Cemetery.

Pinuri at pinasalamatan si Yorme Isko na nagmalasakit na mabigyan ng marangal na libingan para sa mga namayapang kapatid na Muslim.

Kung papalarin, iyon ang pangakong tutuparin niya, sabi ni Yorme Isko.

“… I will do that, bigyan ako ng awa at pagkakataon ng Diyos at ng taumbayan, matutupad yung pangarap nila,” pangako ni Yorme Isko.

o0o

Malaya ang sinomang kasapi ng Catholic charismatic movement El Shaddai sa gusto nilang ibotong pangulo at iba pang kandidato sa halalan sa Mayo 9.

Inihayag ito ni El Shaddai servant leader Bro. Mike Velarde sa pagtitipon ng samahan sa International House of Prayer sa Amvel, Parañaque City nang bumisita kamakailan sina Aksyon Demokratiko presidential aspirant Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at katiket na bise presidente Doc Willie Ong, at mga kandidatong senador.

“The choice is yours, Bahala kayo sa gusto n’yo, ” sabi ni Bro. Mike sa mga mananampalataya ng samahang El Shaddai.

Ipinaalaala ni Velarde na may mga panauhing kandidato na dadalaw tuwing may pagsamba at pananalangin ang kanilang grupo ng mananampalatayang Katoliko.

“Welcome natin silang lahat na dumalo sa ating gawain. I am presenting them to you, examine their hearts for the scripture says: ‘Out of the heart, the mouth is fixed.’ Kung ano ang laman ng dibdib ay siyang bukambibig,”sabi ni Velarde sa mananampalataya.

“The choice is always yours, not mine,” aniya.

Matapos magpasa­lamat kay Bro. Mike, sinabi ni Yorme Isko na kung papalarin, ” ipararamdam ko sa inyo ang pagkakapantay-pantay ng tao. Mapa-Mindanao, Visayas at Luzon o sa ibang bansa, bawat Pilipino pantay-pantay sa serbisyo, programa at polisiya ng gobyerno.”

“…Kayo na po ang humusga kung ako ba ay naging mabuti sa paglilingkod sa ating kapwa at bawa’t pamilyang Manileño. Sana ay maiparating ninyo ito sa inyong mga kamag-anak at kaibigan sa ibang panig ng Pilipinas,” pakiusap ni Yorme Isko.

Masaya siya, sabi pa ni Yorme Isko ang sinabi ni Velarde na malaya ang mga kasapi na pumili ng gustong iboto.

“Because of that Brother Mike, you gave me hope. Hindi pa huli ang lahat. Sabi nga po, matigas man ang bulalo, lalambot din ‘to,” sabi ni Yorme Isko sa harap ng mananampalataya ng El Shaddai.

o0o

Uy, nakakagulat ha?, maraming kongresista sa Bulacan ang lumantad at nagpahayag ng suporta sa LUNAS partylist na 1st nominee si Bryan Raymund Yamsuan, kaya magandang balita ito sa mga ‘No Work, No Pay’ workers.

Gusto ni Yamsuan na itong mga arawan o karaniwang trabahador tulad ng food servers, food delivery at courier riders, tindera, mga piyon sa konstruksiyon, mga talent sa entertainment industry at iba pa e masaklolohan ng gobyerno kasi kaawa-awa pag hindi nakapagtrabaho kung biglang may emergency.

Nung mag-lockdown o kung may bagyo, paano makakapagtatrabaho kung sarado ang kompanya, at ang resulta, walang sahod, walang pambili ng pagkain ang pamilya.

Gutom sila at alam natin, pag kumulo ang tiyan sa gutom, sabi nga, walang batas-batas sa taong mauutas sa gutom.

Panukalang bene­pisyo at ayuda sa mga ‘No Work, No Pay” ang adhikain ng LUNAS partylist at ng inyong lingkod, numero 58 sa balota ang bibilugan ko sa Mayo 9.

Sana kayo rin!

o0o

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa [email protected].