MGA BAWAL NA PAPUTOK TINUKOY NG PNP

paputok

CAMP CRAME – I­LANG  linggo bago ang pagsalubong sa bagong taon ay inanunsiyo na agad ng Philippine National Police (PNP) ang mga ipinagbabawal na paputok o firecrakers sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen Bernard Banac ang  mga ito ay ang piccolo, watusi, giant whistle bomb, giant bawang, large judas belt, super lolo, lolo thunder, atomic bomb, atomic bomb triangulo, pillbox, boga, kwiton, goodbye earth, goodbye bading, hello columbia at goodbye Philippines.

Babala naman ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa sa mga magbebenta at gagamit ng mga ipinagbabawal na paputok  na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7183 o   “An Act of Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use Of Fire-crackers And Other Pyrotechnic Devices.”

Ginagawa ng PNP ang mga babala at paalalang ito sa publiko upang mapanatili ang pagbaba ng naitatalang Fireworks-Related Incidents tuwing holiday season. REA SARMIENTO

Comments are closed.